Ang Patalk ay isang libreng online na pag-aaral ng Bibliya, sa paraang magaan at parang kuwentuhan ng magkaibigan. Isa itong Bible study ministry ng Northeast Luzon Mission.
Paano ito gumagana?
- 28 maikling aralin. Bawat isa ay may video at quiz na 10 tanong.
- Kapag nakuha mo ang 10/10 sa quiz, bubukas agad ang susunod na aralin.
- May Spiritual Guardian, isang kaibigang sasama, kakamusta, at sasagot sa mga tanong mo.
- May certificate kapag natapos mo ang lahat ng 28 aralin.
- Libre ito, at puwede kang tumigil anumang oras.
May tanong ka?
Kausapin ang iyong Spiritual Guardian, o basahin ang aming Privacy Policy para malaman kung paano namin inaalagaan ang iyong impormasyon.
