Huling na-update: Nobyembre 2026
Sino kami
Ang Patalk (patalk.net) ay isang libreng online na pag-aaral ng Bibliya. Ang nangangasiwa nito at ang may hawak ng iyong personal na impormasyon ay ang Northeast Luzon Mission (Mabini, Alicia, Isabela, Philippines).
Anong impormasyon ang kinukuha namin
- Pangalan, email, at mobile number na inilagay mo sa pag-register.
- Ang iyong progress: mga aralin na natapos mo, mga sagot at score sa quiz, at kung kailan ka huling nag-aral.
- Kung sino ang Spiritual Guardian na nag-imbita sa iyo.
Para saan namin ito ginagamit
- Para makapag-aral ka at maitala ang iyong progress at certificate.
- Para padalhan ka ng paalala sa email at text kapag matagal ka nang hindi nakakabalik. Puwede mo itong i-off anumang oras sa iyong Dashboard.
- Para makita ng iyong Spiritual Guardian ang iyong progress at makamusta ka niya.
Sino ang nakakakita nito
Ang iyong Spiritual Guardian (para lang sa kanyang mga student) at ang mga administrator ng Patalk. Hindi namin ibinebenta o ibinibigay ang iyong impormasyon sa iba. Walang ads at walang tracking sa website na ito.
Ang iyong mga karapatan
Ayon sa Data Privacy Act of 2012 (RA 10173), may karapatan kang malaman, tingnan, itama, at ipabura ang iyong personal na impormasyon. Puwede mong baguhin ang iyong detalye sa Dashboard → Edit Account, o sumulat sa amin para ipabura ang iyong account.
Makipag-ugnayan
Email: hello@patalk.net
